Landayan, San Pedro, Laguna, Philippines
Sunday May 19th 2013

Tinig ng Layko

Bro. Cesar DM De Sagun
Bro. Cesar DM De Sagun

Sa ngalan ng pamunuan ng Parish Pastoral Council ng Shrine of Jesus in the Holy Sepulchre, ako po ay malugod na bumabati sa ating parokya ng maligayang ika-40 taong paggunita ng ating pagkakatatag bilang isang parokya.

Tayo ay higit na nagpapasalamat sa iba’t-ibang ministries at samahan sa ating parokya, gayundin sa mga ordinaryong mananampalataya na naging matapat na tagasunod at nagbibigay inspirasyon upang patuloy nating maitaguyod ang adhikain at diwa ng ating parokya.

Nagpapasalamat din tayo sa ating mga deboto ni Lolo Uweng, na kahit dumadanas sila ng matinding kahirapan at pagsubok ay masayang-masaya pa rin at bukas ang kanilang mga palad sa pagbibigay ng tulong.

Sa lumalagong komunidad ng mga deboto, tayo ay umaasa na madama ng bawa’t isa ang totoong biyaya ng ating Mahal na Panginoon sa ating araw-araw na pamumuhay. Patuloy din po tayong nananalangin para sa pamunuan ng ating simbahan nang sa gayon ay mahusay nating magampanan ang tungkulin nating maglingkod sa higit na nangangailangan.

Maligayang pagbati sa ating lahat at nawa’y yumabong pa ang ating pananampalataya at maging daan tayo sa biyaya ng ating Emmanuel sa lahat ng oras.

 

Bro. Cesar DM De Sagun

 

Next Article:

Leave a Comment

More from category

Message of Archbishop Edward Joseph Adams
Message of Archbishop Edward Joseph Adams

The Parish of Sto. Sepulcro, Landayan, San Pedro, Laguna, will soon be bringing out the maiden issue of the parish [Read More]

Message of the Bishop of the Diocese of San Pablo
Message of the Bishop of the Diocese of San Pablo

With joy in Our Hearts, We greet the Rector / Parish Priest and the leaders and parishioners of the Parish of Sto. [Read More]

Pastoral Passage
Pastoral Passage

We have to two important reasons to celebrate Christmas 2010. First reason, the birth of Jesus-the feast of the [Read More]