Landayan, San Pedro, Laguna, Philippines
Thursday May 23rd 2013

Prayers

Prayer to Jesus in the Holy Sepulchre

Oh my Jesus, sent by our merciful and loving Father, to redeem us from the wretchedness of sin – we thank you and we worship you.

Now that we are beleaguered by the sorrows of this life while  contemplating the moment you are laid upon your sacred tomb, and in virtue of your sufferings which bestowed upon us an  abundance of Grace – we ask you to grant us this special favor… (silently pray for your personal intentions).

Grant, Lord Jesus, that imitating you, may we remain obedient to the will of our heavenly Father; may we be humble and contrite, and wholeheartedly return to you; with steadfast love and commitment to serve and offer ourselves to others, just as  you did for all of us.

We beg you, Lord Jesus in the Holy Sepulchre, that at the moment when our lives here on earth is ended, may we share – in  your heavenly home – the fruits of the redemption you’ve done  for us.

For you live and reign with the Father and the Holy Spirit, one  God forever and ever, Amen.

Conclude with: Our Father, Hail Mary, Glory Be.

Panalangin kay Jesus Sa Banal na Libingan 

O JESUS, sa pagkakasala ng tao,ikaw ay isinugo ng Diyos Amang puspos ng awa at pagmamahal upang tubusin ang sangkatauhan sa pagkakalugmok sa kasalanan. Sinasamba at pinasasalamatan ka namin. Ngayong kami ay tigib ng hapis dito sa lupa, habang pinagninilayan ang mga sandaling ikaw ay nakahimlay sa iyong banal na libingan, at alang-alang sa paghihirap na iyong tiniis at sa mga biyayang tinamo mo para sa aming kaligtasan, dumudulog kami sa iyo na ipagkaloob mo ang aming pinaka-mimithing grasya sa mga oras na ito (tahimik na banggitin ang personal na intensyon).

Ipagkaloob mo Panginoon Hesukristo, na tulad mo, kami ay patuloy na maging bukas sa kalooban ng Diyos Amang nasa langit; mag-karoon ng kababaang-loob sa oras ng kahinaan at pagkakasala upang, patakbo at puno ng pagsisisi, kami ay buong pusong mag-balik-loob sa iyo; mamuhay ng may di matitinag na pananampalataya at pag-asa; may pagmamahal at paghahangad na maglilingkod at mag-alay ng sarili sa aming kapwa, gaya ng ginawa mo sa amin.

Nagsusumamo kami, Panginoong Jesus na nakahimlay sa banal na libingan, na sa pagsapit ng sandali ng katapusan ng aming buhay dito sa lupa, matamo nawa namin, sa langit mong tahanan, ang bunga ng iyong ginawang pagliligtas. Sapagka’t ikaw ay Diyos na nabuhay na mag-uli, at ngayo’y naghahari sa iyong kaluwalhatian kasama ng Espiritu Santo at ng lahat ng mga Banal, magpasawalang hanggan. Amen

Sundan ng: Ama Namin. Aba Ginoong Maria. Luwalhati.

32 Comments for “Prayers”

  • Marvin Tuazon says:

    Panginoong Hesus, salamat po sa iyong pagmamahal sa akin at sa aking pamilya. Wala na po ako mahihiling kung hindi ang biyaya na lagi kang mahalin.

  • arlyn says:

    lolo uweng pls po.. pagalingin nyu po ako sa aking karamdaman at ptu.loy po ninyo kming bigyan ng guidance ng family koh.. help my husband always and pls sna bgyan nyu na po ako ng work..

  • Rosela diaz says:

    Lord salamat po sa lahat ng meron ako ngayon..at sana po pagbigyan nyo po ang hiling naming mag asawa na magkaroon n po ng baby..promise po iingatan po namin ang biyaya na yon kong ipagkakaloob nyo..marami pong salamat..at pakiingatn po nag aking pamilya..we love Jesus..and we trust you always..GOd is good all the time..

  • zandra says:

    lolo uwng pls. guide my father to the operating room in this time!!! sana po wag xang mag arrest! lord bigyan nyo pa po kaming pagkakataon n makasama namin xa at makabawi mn lng sa knya! mahal n mahal po namin xa,.,. paki bulong po sa knya na sorry sa mga nagawa ko sa knya!! almost 20 years ko n po xang d nakikita at nakasama, sana po bigyan nyo p po xa ng mahabang buhay!!! in jesus name amen,.,. thanx po lolo uweng

  • Ruby Benamir says:

    lord salamat po sa lahat ng biyayang pinagkakaloob nyo sa amin sa araw araw. panginoon tulungan nyo po kami, haplusin nyo po ng mapaghimala, mapagpagaling at butihin ninyong kamay ang aking ina upang siya’y gumaling sa kanyang karamdaman. panginoon dinadalangin ko rin po ang aking kapatid na magkaroon siya ng linaw ng puso at isipan upang siya ay bumait. panginoong bigyan nyo ng kapayapaan ang aming pamilya. salamat po sa inyong paggabay sa amin. tulungan nyo po kami….. amen

  • mikensel says:

    lolo oweng mangyari po nawa sa amin ang ayon sa kalooban mo..kayo na po ang bahala samen..marami pong salamat..we love you lolo oweng..

  • Ruby Benamir says:

    Panginoon maraming salamat po sa mga biyaya at unti-unting paggaling at pagkawala ng sakit na nararamdaman ng aking ina. Nawa Panginoon patuloy Nyo pong haplusin ng mapaghimala, mapagpagaling at butihing kamay ang katawan ng aking ina upang tuluyan ng mawala ang sakit na kanyang nararamdaman. Panginoon patuloy pa rin po ang panalangin ko na haplusin nyo rin po ang ugali ng ating kapatid upang maunawaan nya ang lahat upang bumait at maging mabuting tao cia. Panginoon kayo po ang Siya naming Tagapagligtas. Panginoon bigyan nyo po ang aming pamilya ng kapayapaan. Tulungan nyo po kami……. Amen

  • miranda says:

    lolo uweng,
    thank you sa lahat lahat ng blessing. thank you sa second life ko. thank you at lagi po kayo nsa tabi namin. thank sa life at sa good health….
    sorry. sorry sa lahat ng aking kasalanan. pagiging maldita ko po.
    wish ko po sana makapasa po kami nila:
    Miranda,John Marolet Cabanban at
    Miranda, Yolanda Cabanban
    sa board exam (nursing-july 2-3,2011)
    sana pabigyan na po ninyo kami sa aming hiling.
    maraming maraming salamat po

  • shirley says:

    mahal kong lolo uweng sana sa isang taon pagkalooban nyo po kami ng baby next year na malusog, masigla, at walang kapansanan ipinapanganko po namin na aalagaan at mamahalin namin cya at indi pababayaan. at sana lagi nyo pong patnubayan ang aking asawa sa dubai ilayo sa lahat ng sakit at kapahamakan at patnubayan nyo din po ang aking kuya sa qatar huwag nyo po clang pababayaan. napakalungkot na ang mga mahal mo sa buhay ay malayo sa amin.at sana po lolo uweng tulugan nyo at asawa ko na maincrease ang kayang salary. ilayo nyo po sa karamdaman ang akin ina at mga pamankin at hipag. at lage silang maging ligtas sa kapahamak ang aking mahal sa buhay asawa, ina, kuya, mga pamingkin at hipag. salamat po lolo uweng sa mga biyayang pinagkakaloob nyo po sa amin.

  • marinell tuzon says:

    lolo uweng sana po matupad ang aking birthday wish tatlong kahilingan po.una po para sa pamilya ko na makasama ko na aking nanay elvie at ang aking kapatid s j.l 2nd.matupad na po bago mag 30yrs this coming october 9 ay maikasal na sa taong mahal ako at hindi ko lolokohin na magiging tapat skin.3rd.ang kuya roy ko po na makapasa na sila sa interview para bukas para po makasama niya ang mga magulang niya sa amerika at yung dalawang bata si rk at kent..ipagkaloob ninyo po skin ang boung puso ko po i2 hiniling sa inyo..maraming salamat sa lahat na mga biyaya na ipinagka2loob ninyo po skin at pati sa aking pamilya po…………love marinell tuzon

  • maribeth says:

    maraming salamat po sa aming buhay, maraming salamat po sa pagkataon na makilala namin kayo ng lubusan. maraming salamat po sa mga blesssings. LOLO UWENG, panalanagin ko po ang pisikal na kagalingan ni MR. FRANCISCO PARDO DELA CRUZ, sampu ng kagalingan ng kanyang pamilya, inilalapit ko din po sa inyo ang aking mga MAGULANG, ANAK at mga kapatid. patuloy nyo po sila kabayan. Maraming salamat po LOLO UWENG sa biyaya at buhay. MARAMI po salamat sa lahat.

  • julie anonuevo says:

    lolo oweng maramimg salamat po sa biyayang pinagka loob mo sa amin.. na way gabayan nyo po ang asawat anak at pamilya ko.. bgyan nyo ng lakas at talino ang asawa habang nasa ibang bansa siya.. at mga anak ko.. gayun din po ang tatay ko na maykaramdaman n sana ay pagalingin nyo. gabayan nyo rin po ako sa araw -araw maraming salamat po.. sumasamo at sumasa,palataya syo,, ama . amen…

  • abdon says:

    Lolo uweng una humihingi po ako ng tawad sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan sa aking kapwa, sa mga taong nasaktan ko ang loob, sa mga taong nakapaligid sa alen sorry po lolo uweng, hinihiling ko rin po na pagalingin nyo na mga kapatid ko na may karamdaman lalong lalo na c nene sa kanyang mayoma si adam sa kanyang pag iisip at c manoy andrew sa kanyang diabetes…lolo uweng tulungan mo kami na makayanan namin lahat ng pagsubok na binibigay nyo maraming salmt po, sa kabila ng lahat ng ito kami po nananalig sa iyong walang sawang pag gabay sa amen sa araw-araw at huwag nyo pong hayaan na mapariwra sa d tamang landas, lolo uweng tulongan mo rin po ang mag-asawa na c mags at eric na manatiling maayos ang kanilang trabaho sa south korea, patuloy mo po kaming gabayan panginoon, maraming salamat po sa lahat ng grasya sa paliligtas mo sa amen sa araw-araw maraming salamat po..

  • abdon says:

    Lolo Uweng maraming salamat po sa lahat ng binibigay mong grasya sa amen at sa mga darating pa panginoon tulungan mo ang aking kapatid na c mags gabayan mo po ang buong pamilya nya at iligtas sa ano mang kapahamakan sa korea at lahat ng mga ofw na naroon, gabayan mo cla panginoon at ibigay mo po sa kanya ang lahat ng kahilingan nya lolo uweng upang makauwi na sila upang magsama-sama silang buong pamilya s ngalan mo Jesus kami ay buong pusong nanampalataya saiyo maraming salamat po, lolo Uweng bigyan mo rin kami ng peace of mind at gabayan mo po kami sa araw sa isip sa salita at gawa…pagalingin nyo rin po ang aking na may sakit slamat po amen…

  • enriqueta ama says:

    lolo uweng,guide us.sana po help us n makarating kmi s canada ksama ang family ko.sana po maibalik n po ung pag amoy at paglasa ng sister ko c eliza nolasco,kau n po bhala s mga kapatid ko abroad.kau n po bhala s mga magulang at biyenan ko,salamat po s lhat.

  • marinell tuzon says:

    lolo uweng thank you po at narinig ninyo po ang aking dasal na makapasa sila kuya roy sa interview at makakasama ko na nanay at kapatid ko si j.l mabibigay ko na sila ng time..last wish na lang po sa birthday ko ang makasam ko naman ang taong mahal ko si sidney mitchell sana po makasama ko siya ngayong taon na ito this coming christmas and new year..yun na lang po ang huling ko wish sa birthday ko po.sana po matulungan ninyo po ako..na makasama ko si sidney masaya na me 2weeks or 3 weeks po makasama ko siya ..thank you po sa lahat sa mga biyayang at sana po gabayan ninyo kami ang aking pamilya ang nanay ko po at kapatid ko po..maraming salamat po lolo uweng..love marinell tuzon

  • norman says:

    Im loosing my faith to Jesus sometimes i wonder if he really exist or if he really the true God. for the past years we’ve experienced so much debt as time passes by it becomes worst tuwing na lang na dadating yung mga pera na inaasahan namin bigla pang nawawala like our commission sa pagbebenta ng condo pag andyan na biglang sasabihin kulang ang requirements yung lupa sa pampangga na dapat binayaran na ng mga bumili hindi nagsibayad im not sure kung sinumpa ba kami or malas talaga ako then maymalaking work na dadating sa akin bigla ding nawawala i dont know what to do anymore we often times wish to die and never wake up if this is a test for us i already failed im loosing my faith anymore im not sure if there is really a God or its just a make believed i dont want to loose my faith to Jesus but this “Test” is taking me far from him i prayed and prayed but no answer ive been praying for several years but my problems are unresolved same problem for the past years i dont know what to do anymore please pray for u i might give up soon please help us and please pray for us.

  • suzanne says:

    Lolo uweng, una po sa lahat ay nagpapasalamat ako sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob nyo sa amin sa araw araw,at humihingi rin po ako ng kapatawaran sa lahat ng mga pagkakasalang nagawa ko sainyo at sa aking kpwa at sa mga mahal ko sa buhay. Patawarin po ninyo ako, lubos ko pong pinagsisisihan ang mga ito. Lolo uweng, idinadalangin ko po sainyo, nawa po ay ipagkaloob na po ninyo sa akin ang trabahong matagal ko ng iniintay. At nawa po ay tulungan nyo rin ang aking ina na makapagsimula ng negosyo nya pra matulungan ako sa mga gastusin namin sa aming pamilya. Tulungan po ninyo ako na matupad ang mga pangarap ko pra sa sarili ko at pra sa pamilya ko.At nawa po ay panitilihin nyo kaming ligtas at malayo sa anumang mga kapahamakan at mga di magandandang pangyayari sa buhay. Patnubayan nyo po nawa ang bawat isa sa amin sa araw-araw. Patuloy Nyo po nawa kming pagkalooban ng lakas ng pangangatawan at ilayo anumang malulubhang karamdaman. Tulungan rin po Ninyo ako na maipagkaloob ko pa sa mga magulang ko na mabigyan ko sila ng maayos at maginhawang pamumuhay, kayat patuloy Nyo pa po silang pagkalooban ng lakas ng pangangatawan at maayos na kalusugan at higit sa lahat, ilayo Niyo po sila sa anumang malulubahang karamdaman. Panginoon, wag Niyo po nawang pababayaan ang pamilya ko. Pagkalooban Niyo rin po ng lagi kapayapaan, pagmamahalan at pagkakaisa ang bawat isa sa aming pamilya. Nawa poy manatili ang pagkakabuklod naming mag-anak. Maraming salamat po sa patuloy Nyong pag-gabay.

  • Erlinda Buising says:

    Thank you Lolo Uweng, for the daily miracles you have given to my family. Thank you for the gift of life. May God be praised, in Jesus Name.

  • Betty lopez says:

    Panginoon, mrming mrmi po slmat s lhat ng biyayang pingkloob nyo s amin at snay lgi nyo po kming ggbyan , sna po gumling n ang tatay q kung anumang pong nrramdamn nya khit ayaw nyang mgpgmot 2lungan nyo po sna cya , gnon din po ang nanay q, mga kptid ,tita’s mga pmngkin q at asawa q , sna po pgklooban nyo din po sna kmi ng khit isang anak lng n normal at malusog , pllkihin po nmin cya ng maayos. Mrming slmat po

  • rose ann ferrer-lee says:

    Lolo uweng maraming maraming salamat po sa paggabay po sakin sa oras_oras..maraming salamat po sa lahat ng biyaya na ipinagkaloob u po sakin pti narin sa pamilya ko.sa maayos na pag byahe ko po dito sa korea maraming salamat po.buong puso at lubos po akong nagpapasalamat sa iyo panginoon naming lahat.

  • rose ann ferrer-lee says:

    Lolo uweng pinapanalangin ko po na matuto n po ako ng lengguwahe dito ng sa gayon po hindi na mahirapan pamilya ng asawa ko pati narin po ako gabayan nyo po ang aming pag sasama mag asawa at kanyang pamilya.lam ko po na hindi u rin po pababayaan ang naiwan kong pamilya sa pilipinas.naway mag succeed po ako dito para madala ko narin po ang pamilya ko dito.wag po sanang mag bago ang asawa ko at pamilya nya skin.na pgigiNg mabait nila sakin.lam ko po hindi u po ako pababayaan dito.mahal na panginoon maraming salamat po.amen

  • Jovi says:

    November 6, 2011
    Lolo Uweng, sorry po sa lahat ng mga magawa kong kasalanan, sorry po sa matagal na panahon na Hindi ako nakadalaw. Ang lahat pong iyon ay dala siguro ng mga material na bagay na ipinagkaloob mo sa akin noon, pasensya napo sa lahat, umaasa po ako sa itong kapatawaran. almost 30 years na po akong hindi nakakapunta dito, ang laki na ng ipinagbago, napakaganda nagulat po talaga ako, aksidente lang po kaya ako nakapunta, nagkamali po ako ng sinakyan, papunta po sana ako sa doctor kaseh masakit po ang dibdib ko mga 1 year na kaya gusto kong magpa checkup ayaw ko din pong malaman ng pamilya ko kaseh ayaw ko po silang mag alala sa akin. salamat po sa tatlong babae na nagbabantay Kay Lolo Uweng, tinuruan ako noon isa na ilagay ung binili kong panyo sa kamay nya, ginawa ko po yon kasabay ng prayer ko na sana gumaling ako, salamat po Lolo Uweng, di napo sumasakit ang dibdib ko, pinagaling nyo po ako, Maraming Maraming salama po!

  • Jovi says:

    Thank you din po for all the graces and favors you have extended to me and my family. My daughter Artemis is now in United States, employed in Department of Health, California, my son Ruben Jr. having a double degree, now employed in one of the University in Camarines, Athena married to a well known family in Mindoro, graduated BSE and BSN, not yet employed. My son Zeus, presently connected in one of the prestigious company in Metro Manila. At ako po, retired na din sa work ko, pensionado na po ako, salamat po sa lahat ng biyaya na patuloy nyong ipinagkakaloob sa amin.

  • enriqueta ama says:

    thank u lolo uweng, for guidng us,always.

  • Gertrudes Domasig says:

    Lolo Uweng, pagalinging po ninyo ang kanser sa live ni Jess Domasig at ang lahat nang iba pa niyang karamdaman mula sa kanyang ulo hangang sa kanyang talampaka. Maraming salamat po. Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng biyayang inyong ipinagkaloob sa aming mag-asawa.

  • Malou says:

    Thanks so much for the blessings and answered prayers I and my family received , i always visit your shrine every friday whenever I spend my vacation in the Philippines . Even though I am here aboard I always pray your prayers I search in the Internet the website of your shrine just to get the prayers you have , salamat sa pag enlighten mo ng aking
    isip at puso , at sa tuloy mo pong pagabay sa araw araw na nasa Ibang bansa po ako , SALamat po ng malaki..

  • carolyn valerio says:

    thank you po lolo uweng sa maraming blessing sa taon na ito at sa mga susunod pang mga taon. nawa’y bantayan mo po ang inyong sambayanan na ngayon ay hapis ng kalungkutan dahil po sa sakunang nangyari sa kanilang buhay lalo na po ang mga nasa mindanao. pinupuri ka namin panginoon ko. godbless all!

  • marinell tuzon says:

    mahal ko lolo uweng ipaagkaloob m po sa skin makapasa ako sa darating na interview sa January 13,2012 sa friday po .sa us embassy hiniling ko po ito sa inyo ng boug puso para sa aking pamilya gusto ko na po tulugan lalong-lalo na po ang aking nanay elvie .makasama ko na ang aking kasintahan na si eugene mitchell at matupad na yung wish makasama ko po siyang ngayon taon na ito 2012 hiniling ko po sa inyo lolo uweng boung puso.maraming salamat po sa lahat ng mga biyaya sa aking pamilya at ingatan nyo po sila ang nanay koh at kapatid s j.l ipinapanalagin ko po sila..love marinell tuzon..

  • Christine Rhea S. Igna says:

    Thank you po for all your graces received matagal na din po ako nakabalik po ako sa inyo…hinihiling ko po ang magandang kalusugan sa lahat ng mahal ko sa buhay tulungan at patnubayan niyo po ako na makapasa sa PCP PSBIM diplomate exam sa enero 22, 2012 upang maipagpatuloy ko po ang pangarap ko po maging isang maganap na espesyalistang doctor ng hematology at makalingkod ng mabuti sa kapwa …huwag niyo po pabayaan ang pamilya din ni dr jesus a. relos lalo na po ang lola iska niya pagaling niyo po siya….salamat po sa lahat patuloy po ang pananalig ko po sa inyo AMEN

  • marinell tuzon says:

    magandang gabi lolo uweng bukas na po ang aking interview sa U.S EMBASSY para tourist visa po.ako ay dumadalangin po sa inyong taos puso na humihiling ipagkaloob po ninyo sa akin makapasa ako bukas.inaalay ko po ito para sa akin pamilya sa nanay ko,kapatid ko,kay sidney mitchell at lalong-lalo na po sa aking tatay lito na alam ko kasama na ninyo po siya..lolo uweng boung puso ko po ito hinihiling sa inyo makasama ko na po ang aking fiancce si sidney mitchell.kaw na po ang bahala sakin bukas at ung consulte na mag interview sa akin ay bigyan ko ng visas po lolo uweng alam ninyo wala kaming kayamanan dito ang kayamanan ko lang ang aking pamilya..at kayo po..itinataas ko na po ang aking puso’t isip sa inyo..at nanalilig po ako sa inyo alam hindi ninyo ko pababayaan..maraming salamat po sa lahat…marinell tuzon

  • Mhynna says:

    Lolo uweng nananalangin po ako sa inyo na patnubayan nyo po ang aking pamilya.Kayo na po ang bahala sa aking asawa naway linawin nyo po ang kanya puso at isip na ayusin na ang kanyang buhay.tulungan nyo po akong ibalik ang kanyang pananampalataya.kyo n po ang bahala sa aking mga anak.maraming salamat po.


Leave a Comment

Latest Topics

May 29 Grand Procession

May 29 Grand Procession

window.fbAsyncInit = function() { FB.init({appId: "201204873268176", status: true, cookie: true, xfbml: true}); }; [Read More]

175 Years of Undying Devotion

175 Years of Undying Devotion

While giving a short talk about the Shrine of the Holy Sepulchre to a gathering of Shrine Rectors in Bahay Pari at San [Read More]

Mga Himala sa Prusisyon ni Lolo Uweng

Mga Himala sa Prusisyon ni Lolo Uweng

Malaking pangamba ang bumalot sa buong bansa nang iniulat ng PAGASA noong Mayo 24, 2011 na ang Bagyong Chedeng, na [Read More]

Message of Archbishop Edward Joseph Adams

Message of Archbishop Edward Joseph Adams

The Parish of Sto. Sepulcro, Landayan, San Pedro, Laguna, will soon be bringing out the maiden issue of the parish [Read More]

Recent Comments

Greg had this to say

I love your blog.. very nice colors & theme. Did you create this website yourself or did you hire someone to do Read the post

Cherry Luzano had this to say

Pls help me pass the PSBIM exam. Sana po maging more considerate and lenient ang board para mas marami ng Makapasa. In Read the post

lea had this to say

Lolo Uweng, tulungan nyo po ako financially makapag-raise ng 5K pero 2/11..pls, pls. Read the post

HARREL M. PAYCANA had this to say

.......ang daming mga pagpapala ang dumarating sa aking buhay mula nang makilala ko si lolo uweng hindi ako magsasawang Read the post

HARREL M. PAYCANA had this to say

....ang dambana ni lolo uweng ang naging pangalawang tahanan ko dito sa lalawigan ng Laguna .. sa buwan ng Hulyo ay Read the post